Sana Bertday Ko Po Palagi

January 04, 2018

Hello po ulet! Ako po ulet eto hihi, si Hennessy. Di pa po kasi masyadong nakakapagsalita si JD kaya ako po muna ulet. Gusto ko po bertday ko palagi kasi po sigurado sama sama po kami sa araw ng bertday ko. Gustong gusto ko po kung may mga selebrasyon sa bahay kasi po pinapayagan po ako ni mommy at daddy kumain ng maraming candy, keyk, chocolate at mani. Nakakainom din po ako ng may kulay na mga inumin na masasaraaap.

Madalas din po kami kumain sa labas kung may sobrang pera si mommy at kung may selebrasyon pero mas madalas po nasa bahay lang kami sa mga ordinaryong araw. Mas marami po ang ordinaryong araw kumpara sa mga araw na may selebrasyon.

Nang isang araw bertday namin ni mommy at nagpasurprise po si daddy isang araw bago yung bertday namin. Tapos sa susunod bertday naman namin brother Jesus...tapos bertday na din namin ni daddy ang susunod. Bertday ko lang magisa ang sunod tapos ang pinakahuli ang bertday namin ni JD. Andami dami ko pong bertday, yehey! Gusto nyo po ba makita ang masarap na keyk ni mommy? Ipapasilip ko dali! 



O, ayan na ha, wag nyo po titignan ng matagal. Silip lang po hehe. May pasurprise pa kami ni Daddy kay mommy bago ang birthday nya. Ang galeng po no? Famtastic talaga!! Tara panoorin po natin ang munting bertday surprise para kay mommy.



You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook