Unang Post at Ang Family Piktyur

December 12, 2017

Hello po sa inyong lahat! Eto po ang kauna unahang blog namin. Ang tagal pong pinagisipan ni Daddy kung paano po namin sisimulan to at kung ano ano ang mga piktyur na pwede namin ilagay dito. Dahil ito po ang simula ng aming bagong adbentyur dapat po family piktyur ang unang piktyur na ilalagay namin. Excited na po ako sa piktyur, Yehey!



Ayan po ang aming pamilya. Ang cute po namin, no? Simpleng piktyur lang po ang napili namin pero eto po talaga kami. Kahit po si Mommy lang nakatingin sa camera, yung tiyan ni Daddy pumuputok, bigay na bigay din sa pag iyak si JD at ako walang makita, hahaha. Masayang masaya kami ng araw na yan. Syempre! Birthday ko yan eh!

Simple lang po ang aming pamilya at tunay na masaya kapag kami ay sama sama.

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook